Antikythera Mechanism

Ang bagay na ito ay nakita mula sa shipwreck sa isang isla sa Greek Antikythera taong 1900. Isang grupo ng sponge divers ang nanatili pang samantala sa isla dahil sa bagyo paparating sa Antikythera. Dahil may bagyo tatlong araw nanatili dun ang mga diver. Pagkatapos lumipas ang bagyo sinubukan ng sumisisid ng mga diver sa tubig na nagbabakasakali makakuha ng sponge.

Yung sponge na kinukuha nila ay hindi si sponge bob. Ang sponge na kinukuha nila ay isang organismo na matatagpuan sa dagat na ginagamit noon bilang pang-filter ng tubig, cleaning tools at breast implants. Sa kasamaan palad tinigil na ang pagkuha nito dahil nagsisimula na ito maubos.

By Nhobgood (talk) Nick Hobgood [CC BY-SA 3.0 (https://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0)], from Wikimedia Commons

Sa pagsisid ng mga diver ang una agad niya nakita ay mga piraso ng katawan na nagmula sa isang istatwa, mga sinaunang paso, alahas, barya atbp. Pero sa pagpapatuloy ng kanyang pagsisid may napansin siya isang kakaibang bato. Kinuha niya ang bato at pinadala sa museum. Obserbahan ng archeology ang bato at may napansin siya sa bato. Para may maliliit ito gear na ginagamit lang sa isang bagay na gumagamit ng isang makina. Dito na nakilala ang bato at tinawag ito Antikythera Mechanism ang unang computer sa mundo.

Tinatayang naimbento at ginamit ng Greek ang device na ito sa pagitan ng 87 BC hanggang 205 BC. Ginagamit daw ito ng mga Greek sa astronomical positions. Nakakatulong ito para sa mga Greek sa paglayag sa dagat para hindi maligaw at hindi lang yun ang gamit nito. Ginagamit din nila ito sa astrological para malaman kung ano astrological sign mo sa araw ng kapanganakan mo.

Pero kahit pa sinabi ng mga siyentipiko kung saan ginagamit ang device na ito wala pa rin kasiguraduhan ito.

Posted in: Bagay