Solway Firth Spaceman

Noong May 23, 1964 isang litrato ang gumimbal sa buong mundo dahil sa kakaiba imahe sumingit sa litrato na kuha ni Jim Templeton sa Carlisle england na tinawag na Solway Firth Spaceman. Dinala ng magasawa si Jim and Annie Templeto ang anak nilang babae sa Mursh na kung tawagin ay The Solway Firth.

Sa mga hindi nakakaalam ng Marsh ito ay isang malaki bakante lupa na puno ng mga damo na walang tumutubong mga malalaki puno puro malilit na damo lang o mga bulaklak.

Marsh

Para ito bukid na pinabayaan na kadalasan may nakikita tayo mga baka o kalabaw na hinahayaan na lang dun sa lugar na yun para kumaen ng mga damo parang ganun din ang Marsh. Pero ang Marsh sa ibang bansa ay kadalasan ay swamp or wet land. Hinahayaan din dito ng mga farmer sa ibang bansa ang mga baka nila para kumain ng damo dahil nga malusog sa damo ang lugar na ito. Anyway balik tayo sa istorya.

Inutusan daw ni Jim ang mga anak niya na pwesto sa isang lugar para kuhanan sila ng litrato pero after daw ibalik ng Kodak ang litrato sa kanya may napansin daw siya sa pangalawa litrato kuha niya. Tila para daw may isang imahe sumingit sa lima taong gulang na anak niya. Isang parang tao naka-costume parang astronaut costume. Dahil sa litrato kumalat ang balita at nailathala pa ang litrato sa isang dyaryo.

Hindi maipaliwanag ni Jim ang litrato dahil wala naman daw tao sa lugar na yun noong mga panahong yung kung hindi pamilya nila at mga baka.

Pinakita daw ni Jim ang litrato sa Kodak at hindi naman daw ito peke at dahil wala pa photshop noon mahirap daw dayain ang litrato.

Lumipas daw ang mga araw habang nasa trabaho siya may naghanap daw sa kanya dalawa lalaki na naka-kotse at naka-itim na uniporme. Tinanong daw si Jim ng mga ito na kung pwede samahan daw sila kung saan niya nakuhanan ang litrato. Habang nasa daan daw sila titanong daw ni Jim ang mga ito kung pwede malaman ang Identity nila at ang sabi ng mga lalaki kilala daw sila sa numero hindi sa pangalan.

Pag dating daw nila sa lugar dinala ni Jim kung saan niya nakuhanan ang litrato at sabi ng mga lalaki. Dito mo ba nakita ang Alien? at ang sabi ni Jim teka hindi ko siya nakita dito hindi ko nga nakita ang lalaki yun sa lugar na ito. Dito ko kinunan ng litrato ang anak ko at nakita ko ang tao sumingit sa litrato niya.

Matapos daw pakita Jim ang lugar umalis daw agad ang mga lalaki at hindi na raw ulit ito nagpakita sa kanya.

Ang kwento na ito ay totoo at hindi lang gawa-gawa ng tao. Pero ang tanong dito kaya nga bang dayain noong mga panahon yun ang isang litrato? Hindi natin alam. Sino nga ba ang dalawa misteryosong lalaki pumunta sa kanya Men In Black? Totoo nga ba Alien ang nasa litrato o may iba pa dahilan?

Credit Image By Source, Fair use, https://en.wikipedia.org/w/index.php?curid=24908802

Posted in: Creepy Photo