Nakakatakot na istorya sa Diplomat Hotel kwento ni Andrew

Hello ganito po kase yung nangyare samin ng mga classmate ko. Tour po namin sagada saka baguio natapos po yung sagada namin yung next po sa iterinary namin is baguio.

So ang nakalagay talaga sa iterinary is minesview and burnham park so masyado na siyang common at halos lahat kame ay nakapunta na dun so nag suggest ako ng diplomat at lahat naman sila game sa suggestion ko.

To make story short nagpunta na kame ng diplomat nasa baba palang kame ng matanaw namin ang diplomat talagang nakakakilabot na agad at natunton na namin ang diplomat hotel bago kame pumasok ng entrance.

Nagtaka na kame dahil habang nag sasalita kuya guard ng rules sa hotel biglang na drain ang battery ng go pro ng isa namin kasama. Samantalang full charge yun sure kame eh yun pa naman din ang aming main camera so no choice phone na lang ang gagamitin namin.

Yun na nga nag start na kame libutin ang buong hotel sobrang nakakatakot at parang kahit hindi mo sila makita alam mong meron kayong ibang kasama sa hagdan palang parang may kakaibang impact na parang ayaw kame patuluyin.

Pero di nalang namin pinansin at nag patuloy kame sa pag lalakad at pag shots ng mga photo hangang sa natapos namin libutin lahat at takot na takot kame. Then pauwi na kame sa manila lahat sila ay tulog sa van at ako gising na gising pa nag review ako ng mga photo at sa hindi inaasahan may nakuhaan ako na sumama samin ng ex girl friend ko ng pic. Mga bata at madre then pinakita ko sakanila lahat sila kinilabutan sa nakita at pagdating namin sa manila pinost ko yung pic at yun ang dame nag chat sakin about dun.

Posted in: Diplomat Hotel