Doppelganger sa puno ng akasya

Doppelganger sa puno ng akasya

Okay since tiga Bulacan po ako at nakatira kami sa liblib na lugar lalo na noon na wala pa gaano kalasada at mga pabrika sa paligid namin. Kuwento ito ng mga kaibigan ko noong mga bata kami.

Ang mga kabataan noong kapanahunan ko madalas naglalaro lang sa labas hindi pa kasi uso gadget noon so kadalasan ang mga bata naglalaro lang sa labas na magkakasama. Kahit ano lang basta lumipas lang ang oras nila sa labas hindi sa bahay.

So isang araw naisipan namin lumabas ng bahay ng mga kalaro ko para mag trike o bisikleta yung tatlo gulong. Ewan ko kung ano tawagan sa iba pero trike ang tawag sa amin. Linggo ng hapon noon natural wala gaano nagdadaan sa kalsada namin dahil wala pasok noon kasi linggo.

Pabalik-balik kami sa kalsada noon. Mga pito siguro kami palitan sa pagsikad ng bike. Tinawag ako bigla ng mga magulang ko inutusan ako bumili sa tindahan. Pero sila tuloy pa din ang pagbike. Tapos yung dalawa magkapatid na kaibigan ko umuwi din daw para kumain.

Puno ng akasya may multo

So pagdating daw nila ng puno ng akasya nagulat daw sila bakit makakasalubong nila yung dalawa magkapatid ang pagkakaalam daw nila umuwi sa bahay yung dalawa. Kinausap pa din daw nila pero wala daw imik yung dalawa magkapatid at nakatingin lang sa kanila ng masama.

Pinoy Doppelganger

Nawala daw bigla yung magkapatid dun daw sila natakot. Sa sobra takot tumakbo na sila agad na hindi dala yung trike na gamit nila.

Siguro sasabihin niyo mga bata lang kami noon at malakas ang imagination. Pero hindi naman kami nagku-kuwentuhan ng nakakatakot nung time na yun. Actually masaya nga kami nun isa pa hapon noon.

Kadalasan kasi pagnaku-kuwentuhan kami nakakatakot at yung kalaro ko o kaibigan ko bigla nagsabi na nakakita siya ng multo tiyak dala lang yun ng takot niya. Pero kung biglaan na lang magsasabi ng ganun siguro kahit paano naniniwala ako.

Natatakot na ako dumaan sa puno ng akasya na yun. Lalo na sa gabi madami din nakikita ang mga guard dun sa pareho puno ng akasya. May kuwento pa nga dati na nakakita yung guard ng batang umiiyak sa mismo puno na yun.

Naniniwala ba kayo sa doppelganger? May isa pa ako kuwento tungkol naman sa kaibigan ko nakakita ng multo habang nagiinuman kami.


What are your thoughts?