Duwende

Ang duwende ay isang uri na maliit na nilalang kung saan nagbibigay daw ito ng swerte sa bahay o sa buhay mo pag inalagaan mo daw sila. Marami na ako naririnig o napapanood sa tv shows na may alaga daw sila duwende at nagbigay daw ito swerte sa buhay nila. Dito kadalasan umaasa ang mga pinoy sa maganda kinabukasan nila bukod sa pagtaya ng lotto.

Nakatira daw ang duwende sa malaking umpok na lupa na kung tawagin ay nuno sa punso. Sabi nila ‘wag na ‘wag mo na tatapakan ang nuno sa punso o iihian daw ito dahil magagalit sayo ang duwende at palalakihin ang kung ano man parte ng katawan mo ang nakasira sa bahay nila. Kaya kung may gusto ka palakihin sa parte ng katawan mo baka ito na ang tiyansa mo palakihin yun hehe.

Madami kulay ang duwende ang itim na duwende daw ay may masamang ugali at ang puti ay may mabuting kalooban atbp. Kung siguro may kulay dilaw na duwende malamang sa malamang hindi papatok kasi dilawan siya.

Posted in: Engkanto