Exorcism kay Clarita Villanueva

Naniniwala ba kayo sa demonyo o sapi?

Naniniwala ba kayo sa kwento ni Emily Rose? Dumating pa sa punto nagkaroon pa ng laban sa korte ang pamilya niya laban sa pari nag exorcism sa kanya.

Kung natakot at namangha ka sa istorya ni Emily Rose dapat matakot at mamangha ka din sa istorya ni Clarita Villanueva.

Si Clarita Villanueva isa 17 anyos na dalaga na di umanoy kinakagat daw ng dalawang nilalang na hindi nakikita ng ibang tao. Siya lang mismo ang nakakakita ng nilalang na ito na nilarawan niya na maitim na tao at isang maamo mukha na may bigote na parang anghel.

Maari hindi natin alam ang kwento na ito pero noon pa kumalat na ang balita na ito sa buong mundo. Nakakahiya man sabihin pero ultimo ako nito ko lang nalaman ng nakita ko gumawa ng video ang Jessica Soho kay Clarita.

So paano nga kumalat sa buong mundo ito? Siguro mag simula muna tayo kung saan siya nakitaan ng mga sugat sa katawan niya.

Taong 1953 at buwan ng Mayo nakulong si Clarita dahil sa pagalok ng sarili niya katawan sa isang pulis. Kinulong siya sa Bilibid City Jail.

Isang araw bigla na lang daw nag sisigaw si Clarita sa sakit at may kumakagat daw sa kanya ng dalawa nilalang na maitim at isang maliit na nilalang na siya lang ang nakakakita.

3 linggo ito nararanasan ni Clarita at ultimo mga doctor ay hindi malaman ang sagot kung bakit siya nagkakaroon ng sugat sa katawan niya.

May isang doctor nakapagsabi na peke lang ang mga sugat sa katawan niya at gusto lang niya lumabas sa diyaryo o magazine para sumikat. Pero dahil dun nagalit si Clarita. Tumingin ng masama si Clarita at sinabi sa Doctor na mamatay siya.

Sa hindi malaman na kadahilanan namatay ang doctor na yun kinabukasan. Hindi lang yan isa din city jail guard ang napag-initan si Clarita at sinasaktan siya. Muling nagalit si Clarita at sinabi niya mamatay ka. Pagkalipas ng apat na araw namatay din ang jail guard na yun.

Ultimo ang Mayor noon na si Lacson hindi makapaniwala sa naranasan niya. Isan araw tinawag niya si Clarita para malaman niya kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa bata.

Habang kinakausap niya ang bata bigla na lang daw ito nagsisigaw dahil kinagat nanaman daw siya. Laking gulat mismo ni Lacson na naglabasan ang sugat sa katawan ni Clarita na wala naman nung mga oras na yun.

Hanggang dumating ang isang pastor na si Lester Sumrall. Una daw nagaalangan si Lacson pag bigyan ang pastor pero tila wala na daw ibang paraan dahil ultimo espirtista tinawag na nila pero hindi pa din gumagaling si Clarita.

Pumasok si Pastor Lester Sumrall at kasama ang mga media at doctor ginawa ni pastor ang pag exorcism kay Clarita. Pagkita pa lang daw ni Clarita kay pastor nag sisigaw na ito at sinasabi hindi daw niya gusto ang pastor.

Pagkatapos ng ilang oras na pag exorcism kay Clarita nawalan ito ng malay at nang magkaroon  ng malay ngumiti ito. Dahil dito nagkaroon daw ng ibat-ibang reaksyon ang mga tao sa loob na kasama ng pastor.

May media pa nga daw na nag sabi patay na daw ba ang demonyo? Meron din daw nagsabi tapos na ang first round ng pastor at demonyo. May doctor naman nag sabi na patay na daw ang demonyo pero sabi ng pastor hindi patay ang demonyo pero magaling na ang bata.

Dahil sa nangyari na ito nakilala si Pastor Lester Sumrall at gumawa pa nga siya ng libro tungkol sa pagpapagaling niya kay Clarita.

Kung kayo ang tatanungin. Totoo ba sinaniban si Clarita ng demonyo o gawa-gawa lang ba niya ito o hindi kaya talaga sakit lang ang nararamdaman niya? Comment niyo lang yung sagot niyo.

 

Posted in: exorcism