Lumang Condo kwento ni Rossel Heducos

Lumang Condo kwento ni Rossel Heducos

Kadalasan may mga kaibigan talaga tayo nakakakita tama? Kagaya ko magugulat ka nalang isang araw magsasabi sayo may katabi ka. Hindi kaya pag magiinuman kadalasan dun palang sila aamin na nakakakita sila ng kakaibang nilalang o multo. Kagaya lamang ng karanasan ni Rossel.


May condo unit ako medyo luma na kase sabi nang may-ari 10 yrs na daw ang Condo. Siguro 4 months pa lang ako, wala pa akong alam sa mga nanyayaring kababalaghan. Lahat nang taong nakatira dun pinagtitinginan ako. Nagtataka ako pero binabalewala ko lang sila. Isang araw taong 2018 buwan ng Mayo, 18.

Birthday nang kaibigan ko nag-celebrate kami sa condo ko 4 lang kami. Ang birthday girl namin si Jasnah napatulala saken sabi nya may niyaya daw ako na hindi ko sinasabi ang ganda daw nagtataka ako kasi hindi ko alam ang pinagsasabi niya. So nagsalita si Jasnah na “maupo ka miss” natatakot na ako dahil niyaya niya pa uminom ang babae nakikita nila lahat ang babae.

real ghost stories in condo

Pero ako hindi, natakot ako kaya pumunta ako sa kwarto ko at nagtago. Nang mag-umaga na hindi ko alam na umalis na sila. Paglabas ko nang gate kinausap ako nang ka mate ko sabi niya “miss bakit ka pa nag-invite?” Dapat nagsimba ka muna bago ka umuwi. Saan ka man pumunta pinapadami mo lang sila “nagtataka ako so pumunta ako sa albularyo ang sabi nang albularyo nagdadala daw ako nang hindi dapat iniimbita lagi daw ako magsimba.


Kakaiba ang karanasan ni Rossel kumpara sa akin kasi mismo kaibigan niya ang nakakita mismo at ako naman panay kuwento lang ng mga kaibigan. Kung sa inyo nangyari ito ano ang gagawin niyo? Magtatago kagaya ni Rossel o Kunwari nakikita mo din ang babae na lubhang napakahirap gawin kung may takot ka nararamdaman.


What are your thoughts?