Bagong taon may multo?

Bagong taon may multo?

Hi it’s me Miggy again. Kuwento ito ng isa sa mga kaibigan ko pero nandun din ako noong mismo nangyari yun.

Bagong taon noon. Kakatapos lang ng putukan naisipan ko pumunta sa kaibigan ko para makipag-inuman at batiin ng maligayang bagong taon.

Pagpunta ko sa bahay nila nandun din pala ang ibang mga kaibigan ko. Naginuman kami hanggang abutin na ng 3:00 ng madaling araw noon.

Dahil naka-inom at bagong taon sino ba naman ang nasa matinong pagiisip na pagusapan ang multo diba? So nagiinuman lang kami noon wala multo usapan puro kalokahan at masasayang pangyayari lang ang pinag-uusapan namin.

Yung isang barkada bigla naisipan umihi. So madilim yung pinag-ihian niya actually naalala ko dun sa lugar na yun dun din nakatira ang dati ko matalik na kaibigan kaso lumipat na sila sa ibang lugar.

So habang umiihi ang barkada ko bigla siya humiyaw at tumatakbo pabalik sa amin. At pagpunta niya sa amin ang una niya sinabi “Pare naka-kita ako ng multo!” so kami naman nagtinginan at pinuntahan ang lugar.

Pagpunta namin dun wala naman kami nakita multo. Pero nakita ko ang bahay ng kaibigan ko. Lumang-luma na ito wala na din nakatira. Ang sinabi ng barkada ko babae daw ang nakita niya. Naglakad lang daw sa gilid niya.

Multong babae

Dahil nga sa nangyari nagka-kuwentuhan na ang mga barkada ko tungkol sa multo hanggang sumali na din ang mga pamilya ng barkada ko nakatira din dun. Marami din daw kakaiba nangyayari sa naturang lugar.

Ito ang mga dahilan ko kung bakit naisipan ko posible totoo ang nakita ng barkada ko.

Una sa lahat

Hindi din naniniwala ang barkada ko sa multo. Noon din siya natakot ng ganun at dun din siya naniwala may multo.

Pangalawa

Nasabi ko ba sayo hindi tiga-dun ang barakada ko nakakita ng multo? Nagpunta din siya dun para batiin ang barkada namin.

Pangatlo

Lasing kami at hindi kami naguusap tungkol sa multo at bagong taon nun. Kung umiinom ka alam mo na malakas ang loob mo hindi ka basta-basta matatakot lang sa dilim. So paano nangyari ang barkada ko hindi naniniwala sa multo at lasing ay natakot ng ganun.

So sa pananaw ko malaki ang posibilidad na totoo ang sinasabi ng barkada ko. Ang tanong na lang dito talaga ba multo ang nakita niya o may iba pa? Posible na malikmata lang siya nun o hindi kaya hayop o pusa lang ang nakita niya.

Kayo ano ang tingin niyo nakita ng barkada ko multo nga kaya?

 


What are your thoughts?