Black Lady sa Qatar – Kwento ni Ca Sy Ken isang OFW sa Qatar

Black Lady sa Qatar – Kwento ni Ca Sy Ken isang OFW sa Qatar

Karamihan sa mga bansa hindi lang sa Pilipinas ay naniniwala sa multo. Gaya na lamang ng China, America, India etc. Pero napansin niyo bihirang-bihira tayo nakakarinig ng mga balitang multo gaya na lamang sa bansang Qatar? Tama? Ito kuwento ng isa sa mga kababayan natin ay may nakakatakot na karanasan sa bahay ng kanyang amo. Bakit nakakatakot? Dahil hindi lang siya ang nakaranasan pati mismo ang kanyang amo. Basahin niyo ang kuwento niya sa baba.

Ang nakakatakot na kwento ni Ca Sy Ken isang OFW sa Qatar


Hi isa akong OFW share ko lang po karanasan ko sa multo. Year 2015 nasa Qatar ako. Ano work ko??isa lang po akong DHSA sa isang malaking bahay na akala mu bahay ni cinderella sa laki.

nakakatakot na bahay

Dalawa lang kami na katulong. Isang indian ang kasama ko pero ako nakatoka sa pag aalaga ng kambal. Then pag tulog na sila tumutulong ako maglinis ng mga room. Yung room pala ng mga bata is nasa second floor. So ito na nga.

black lady ibang bansa

Bago ko pinatulog yung kambal isa-isa ko silang pinaliguan para matagal ang tulog nila then yun nga sa wakas nakatulog na sila kasi para makalinis ako. Bago ako lumabas iniwan kong nakaawang medyo yung pintuan para marinig ko if iiyak yung kambal..

Pumunta na ako sa kabilang room para magsimula maglinis habang nagaayos ako ng kama. May naririnig akong kumakanta..ng parang pang tulog ng baby. So hinayaan ko lang baka yung kasama ko lang. Habang tumatagal parang medyo lumalakas. Lumabas ako hinanap ko yung kasama ko nandun sa sala nag pupunas ng mga jar na malalaki. Sala sa 2nd floor luxmi!! ‘wag ka nga kumanta ng malakas kasi magigising ang mga bata in arabic. Sumagot siya paano ako kakanta nandto ako sa sala. Napaisip ako if sino yun so sinilip ko yung bata wala nman tulog sila.

black lady pinoy

Bumalik ako naglinis habang nasa hallway ako may narinig nanaman ako. Nakasalubong ko amo ko na babae na parang takot na takot na sabi nya. Ilabas mo yung kambal sa kwarto kasi may naririnig ako kumakanta kanina. Pagsilip ko sa kwarto may nakita daw siya nakaitim na babae o black lady sa tabi ng crib ng kabal. Habang nag kakanta na hindi daw nya maintndhan arabic ang pagkasabi. So ako naman sa takot ko takbo ako kasunod siya. Kinuha namin mga bata pagkatapos ng pangyayari na yun nakwento sa akin may nagpapakita daw tlga dun na black lady. Dati sa hagdan daw yun nagpapakita binabalewala daw nila.

pinoy black lady

Pasensya na po hindi ko alam magkwento at hindi nakakatakot marami pa po ako karanasan sa multo. Salamat po sa pagbabasa


 


What are your thoughts?