Kakaibang karanasan sa pabrika sa Pulilan, Bulacan

Hi ako si Miggy isa sa mga admin ng kakaiba dito. Gusto ko lang share ang personal na kakaibang nangyari sa akin noong nagtatrabaho sa isa sa mga pabrika sa Pulilan.

Hapon na noon mga 2 or 3pm nang-umakyat ako sa pinaka-taas ng pabrika para kunin ang mga kahon na gagamitin sa mga produkto. Dahil kahon lang naman ang mga nakalagay dun wala gaano nagpupunta dun. Halos ang pumupunta lang dun ako at mga guard.

Dati pa ako nakakarinig ng mga nakakatakot na istorya about sa mga nagpaparamdam dun. Hindi naman ako naniniwala kasi hindi ko pa naman nararanasan nung mga panahon yun.

Habang kinukuha ko ang mga kahon wala naman ako nararamdaman kakaiba. Ilalagay ko na sana ang mga kahon sa elevator para ibaba. Ngunit kailangan ko pa mag-intay kasi ginagamit pa ng iba empleyado ang elevator. Naisipan ko muna umupo panandalian. Medyo kinikilabutan pa din ako habang sinusulat ko to kahit matagal na nangyari yun. Sige tuloy na natin. Nakikita niyo yung image sa baba ganun ang itsura ng elevator sa pabrika pinapasukan ko dati.

So habang nag-iintay ako sa elevator naisipan ko upuan ang mga kahon. Bigla ko naramdaman na lumamig at tumayo ang balahibo ko. Oo totoo pala yun. Yung bigla ka lalamigin at tumayo ang balahibo mo ng hindi ka natatakot meaning nun meron sa paligid mo.

Una hindi naman ako natakot mas nagtaka ako kung bakit ganun. Pero siyempre tao lang tayo natakot na din ako bandang huli kasi naisip ko baka nga multo yun nasa tabi ko. So hindi ko nalang pinansin at kumanta na lang ako para mawala ang takot ko.

Akala ko hanggang dun nalang ng bigla bumukas yung pinto ng elevator. Oo! bumakas siya at narinig ko yung empleyado sa baba na sumigaw na “Bakit mo binuksan pababa na kami!”. Kasi hindi umaandar ang elevator dun sa pabrika pag may bukas na pinto ng elevator sa mga floor area.

bumukas ang elevator dahil sa multo?

Sinira ko agad ang pinto ng elevator sa harap ko at dali-dali bumababa gamit ang fire exit at hinanap yung kasama ko baka kako pinagtripan lang ako! Dahil wala ang kasama ko may pinuntahan daw sa baba.

mutlo sa pabrika

Sinubukan ko naman kung magagawa ko push yung pinto ng elevator mula sa 3rd floor pero hindi kaya eh! Kahit ako hindi ko nagawa mas maliit pa yung kasama ko sa akin. Isa pa mauuna dapat huminto ang elevator sa pag bukas ng pinto kung pinag-tripan ako ng kasama ko pero hindi eh. Sabay na sabay ang pagbukas ng pinto ng elevator at pag hinto nito.

So dahil no choice ako. Bumalik ako sa taas nag lakas loob ako. Naibaba ko naman ng maayos ang karton na dala ko. Pero wala naman ako nakita multo o kung ano man. Nagtataka lang ako bakit bumukas ang pinto na yun. Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa akin na yun.

Noon akala ko hindi totoo pero ngayon nagdadalawa isip ako kung maniniwala ako after ng experience ko. Kung kayo may mga paranormal experience na gusto share okay lang na share niyo yun. Hindi mo naman sinasabi totoo may multo lalo na kung hindi mo naman talaga nakita nagparamdam lang. Atleast malaman din ng iba na kahit paano may katotohanan ang mga kuwento tungkol sa multo.

Posted in: Multo, Paranormal Experience