Lola – Ayon sa tunay na karanasan ni Pau Ching

I just wanna share this creepy experience.

I think nangyari to year 2004 nag-punta kami ng family ko sa tanay rizal para sa lamay ni lola sa side ng tatay ko.

Then pag dating dun nakita ko lahat ng kakababata ko yung isang pinsan ko dala-dala niya ang anak niya napakakulit ng anak nya. Then humingi ung pinsan ko ng favor if pwede bantayan ko muna anak niya para maka-bawi naman siya ng tulog siyempre pumayag ako.

Habang nagaalaga ako naka-toka din ako sa pag bigay ng makakain kape or sopas para sa matatanda cupcakes saka zesto naman para sa bata. Then naisip ko yung bantay ko kaya binulsa ko na yung isang cupcake saka zesto.

Nung binalikan ko na yung alaga ko may iininom na siyang zesto binuhat ko siya tapos tinanong “sino nag bigay sayo nyan? sarap?” tumango lang ung bata sabay turo kay lola na nakalamay na.

Posted in: Multo