Si lola nagpakita sa lamay niya

Si lola nagpakita sa lamay niya

May mga kaibigan ako astig sabihin na natin mga siga sa amin. Isang araw niyaya nila ako sumama sa lamay ng isa sa mga kaibigan namin. Namatay kasi ang lola niya. Pero hindi ako nakasama kasi hindi ako pinayagan ng magulang ko. Alam ko iniisip niyo siga tapos mamas boy. Sinabi ko sila hindi ako hehe.

So hindi nga ako nakasama kinabukasan natural umagang-umaga tatambay at hahanapin ko ang mga kaibigan ko eh tambay nga eh! hindi ko sila agad nakita. Naisipan ko na puntahan yung isa sa mga kasama ko sa bahay nila baka nandun na sila.

Akalain mo nga andun sila mga kakagising lang at namumutla sa takot. Hanggang nag kuwento na ang isa sa mga kaibigan ko.

Ayon sa kuwento nila pagpunta daw nila ng lamay. Umupo agad sila para mag sugal. Ganyan naman lagi ang pilipino diba magsusugal tuwing may patay. Habang nagsusugal daw sila may isang matandang lumapit sa kanila at hinainan sila ng sofas.

multo ni lola

Yung isang kasama ko na itago na lang natin sa pangalan kim hindi daw kilala ang lola ng kaibigan ko pero ang ibang kaibigan ko namutla na daw nung nakita ang matanda. Samantalang si kim humigop pa daw ng sofas na dala nung matanda.

After daw makalayo nung matanda tumakbo na daw sila at nagtaka daw si kim pati siya tumakbo na kahit hindi daw niya alam kung bakit tumakbo ang mga kaibigan namin. Hanggang naikuwento na ng mga kasama ko ang nangyari.

Sa sobra takot ni kim hindi na ito nakauwi ng bahay nila nakitulog na lang sa kaibigan ko. Dahil tsismoso din ako pinagtanong ko sa lamay kung totoo yung mga sinasabi ng kaibigan ko baka kako niloloko lang ako. Pero hindi lang daw sila ang nakakakita nun mismo ang ibang nagsusugal at ibang pamilya ng namatayan nakita ang pangyayari.

Sabi ng kaibigan ko hindi din sila makapaniwala at yung sofas daw mainit pa daw talaga. Kayo tingin niyo nagagawa nga kayo ng multo magpakita at maghain pa ng pagkain? May personal na experience ba kayo ng katulad ng mga kaibigan ko?


What are your thoughts?