Totoo ba o Hindi? Ang multo sa barangay hall

Paano kung isang araw habang nagpapahinga ka eh bigla na lang gumalaw ang upuan sa tabi? ano ang unang mo mararamdaman? ano ang unang mo gagawin?

Ganito ang nangyari sa isang barangay tanod na si Chester. Lunes ng gabi habang binabantayin ni Chester ang mga monitor ng CCTV sa barangay nila nakita sa CCTV din na gumalaw ang isang upuan malapit sa kanya.

Nag-viral ang video na pakikita ko sa inyo na nagkaroon ng ibat-ibang reaksyon sa social media.

Noong una ay hindi pa daw napansin ni Chester ang paggalaw ng upuan. Pero sa pangalawa paggalaw ng upuan nagulat si Chester sa nakita niya. Kinusot pa ni Chester ang mata niya at tila hindi makapaniwala sa nakita.

Dahil sa takot dali-dali lumabas ng barangay hall ang tanod.

Tinitignan ko ang video at hinahanapan ng posible dahilan ng paggalaw. Kasi kadalasan makakita ka kahit paano ng maliit na lubid man lang kung fake ang video.

Ulit-ulit ko ang video pero wala ako makita dahilan para sa posible paggalaw ng upuan. Ang huli posible dahilan na lang ay edit ang video? Pero bakit nila pagaaksayahan ng oras ang mga ganito bagay?

Ang sabi nila para malaman mo kung bakit may paranormal experience ang mga tao sa isang lugar. Alamin mo ang history ng lugar. Napagaalaman na ang barangay hall ay dati pinagbuburulan ng mga patay kaya siguro may mga napaparamdam sa lugar na yun.

Pagkatapos maranasan ni Chester yun natakot na daw siya sa lugar dahil wala na lang daw siya magawa nanalangin na lang daw siya tuwing pupunta sa lugar. Takot na din ang empleyado sa barangay hall pero wala na din daw magawa.

Kahit naman siguro ako matatakot sa nangyari baka hindi na ako pumasok lol. Pero kayo sa tingin niyo dapat ba paniwalaan ang video na ito. Hindi ko din kasi maisip kung bakit kailangan nila pakalat ang video na ito o bakit sila gagawa ng fake na video. Ano nga ba ang mapapala nila dito?

Mag bigay lamang kayo ng opinyon o komento dito. Maraming salamat po =)

Posted in: Multo, Paranormal Experience, Real Ghost Caught on Camera