Ang misteryosong ilaw

Kuwento ito ng tatay ko noong bata pa ako. Isang misteryosong ilaw ang bigla lumitaw sa labas ng bahay nila habang nagliligpit daw sila sa kusina nila.

Nangyari ito sa Nueva Vizcaya ng gabi dun kasi lumaki halos ang tatay. Napakaliblib o malayo sa bayan ang lugar nila tatay bihira may dumadaan na sasakyan at madami din dun katutubo at bandang tuktok na talaga ng bundok ang tirahan nila. Yung nakikita niyo imahe sa babae yan halos ang makikita mo pagnakarating ka sa lugar ng tatay ko.

Napunta na ako isang beses dun at hindi ko na binalak bumalik dahil may nangyari sa tita ko dun sa susunod na kuwento ko na yun. Sa ngayon ang kuwento ko muna yung sa tatay ko.

So yun na nga nagliligpit daw sila noon sa kusina ng may bigla lumabas na ilaw sa labas ng bahay nila sa tapat ng kusina. Ilaw daw ito na hugis krus.

Gusto nga daw lapitan ng tatay ko ngunit hindi na niya nagawa lapitan dahil pinigilan daw siya ng ate niya. Sabi ng matatanda daw doon may pinahihiwatig daw ang ilaw sa kanila. Posible din daw may kayamanan dun.

Dahil nga ang paniniwala dun na may posible kayamanan na nakabaon dun pagnagpakita ang krus na ilaw hinukay daw ng kuya ng tatay ko ang nasabi lugar at wala naman daw nakita kahit anong kayamanan.

Hindi naniniwala ang tatay ko sa multo pero naniniwala siya sa mga ganitong klase elemento dahil siguro yun ang karanasan niya at hindi pa siya nakakaranas ng makakita ng multo. Kayo kung nakakita na ba kayo ng mga misteryosong ilaw?

Posted in: My Friend Paranormal Experience