Alice Dixson at ang kalahati ahas at tao sa Robinsons Mall

Si Alice Dixson na ata ang pinakamagandang babae noong kapanahunan niya sa showbiz at kahit ngayon hindi pa din kumukupas ang kagandahan ni Alice Dixson.

Larawan ni Alice Dixson

Pero alam niyo ba matagal din nawala sa showbiz si Alice Dixson? Bago siya umalis sa showbiz may isang balita gumimbal sa Pilipinas na di umanoy muntik na mabiktima si Alice Dixson ng isang tao ahas sa Robinsons Mall.

Sino nga ba ang taong ahas na ito.

Kalahati tao at ahas

Ayon sa usap-usapan ng mga tao ang tao ahas daw ay anak mismo ng may-ari ng Robinsons Mall na si John Gokungwei. Tinago daw nila ang anak nila sa ilalim ng Robinsons Mall para hindi makita ng tao at mag dala din ng suwerte sa negosyo nila. Alam naman natin lahat na ang ahas ay suwerte sa tradisyon ng Chinese.

Dahil kakaibang nilalang ang anak nila hindi daw ito kumakaen ng pagkaen ng tao kung hindi mismo tao ang kinakaen ng kakaibang nilalang. Mayroon din daw mga hidden camera sa dressing room ng mga babae sa Mall kung saan puwede daw siya mamili ng mga kakainin niyang babae.

Pag nakapili na daw siya isang pindot lang daw sa button ay magbubukas na daw ang sahig ng dressing room ng mga babae at mahuhulog ang babae sa mismo kuwarto ng taong ahas at maari na niyang gawin ang gusto niyang gawin sa babae biktima.

Dahil nga sa nangyari kay Alice Dixson lalo kumalat ang balita tungkol sa tao ahas sa Robinsons Mall at nagkaroon ng madami bersyon sa pangyayari.

Unang bersyon

Ang pangalan daw ng tao ahas ay Robina Gokongwei babae anak ni John Gokongwei. Dahil kumakaen ng tao ang nilalang na ito ang paborito kainin daw nito ay babae. Dito din daw nangagaling ang yaman ng mga Gokongwei dahil nangingitlog daw ng ginto ang babae ahas.

Isang araw daw ng nang namimili si Alice ng damit. Nagpunta daw siya sa dressing room para sukatin ang damit dahil maganda si Alice siya daw ang napili ng tao ahas subalit nabigo ito dahil nakakapit si Alice at nakaalis sa dressing room.

Pangalawa bersyon

Lalaki daw at hindi babae ang tao ahas at kaya din daw puro babae lang ang biktima dahil hindi lang daw niya kinakaen ang biktima niya kung hindi pinagsasamantalahan din ito.

Dahil daw nagkagusto ang tao ahas kay Alice hindi daw magawa patayin ng tao ahas si Alice at sa huli pinatakas na lang niya si Alice.

Pangatlo bersyon

Hindi daw talaga kalahati tao at ahas  kung hindi isang malaking sawa ito na kayang kumaen ng tao. Hindi din daw anak ito ni John Gokongwei kung hindi alaga lang nila.

Dahil daw nabuhay si Alice Dixson sa kamay ng tao ahas binayaran na lang daw ni John Gokongwei si Alice para tumahimik.

Marami naniniwala dito dahil daw kahit kasikatan ni Alice Dixson noon pumutok ang balita na ito nagawa pa din daw niya iwanan ang showbiz. Tinangi naman ni Alice ito at kaya daw siya umalis ng showbiz dahil naka-plano na daw talaga ito at gusto din daw niyang subukan ang buhay na hindi naka-focus sa kanya ang marami attention.

Ito mismo ang sinabi ni Alice sa panayam sa kanya ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN

“I kinda set an age for myself to get married which is 28. So when I turned 28, I decided to settle down, I got married and then we moved to Canada. I was ready to start a new life not because my husband forced me to. But gusto ko ring maka-try ng living a normal life, without klieg lights, without a lot of attention on me,” – Alice Dixson

Marami din naman hindi naniniwala dito dahil baka pakulo lang daw ito ng kalaban sa negosyo ng Gokongwei at kinalat ang balita para matakot ang mga tao. Pero imbes na matakot ang mga tao tila ata mas sumikat pa ang pangalan ng Robinsons Mall.

Puwede din daw gawa-gawa lang din daw ito ni Gokongwei para pagusapan ang Robinsons Mall at mas sumikat ang pangalan ng Robinsons Mall.

Hanggang ngayon hindi pa din matapos-tapos ang usapan tungkol dito hanggang nitong December 25, 2014 gumawa pa ang Regal Entertainment ng pelikula tungkol dito. Ang pangalan ng pelikula ay Shake, Rattle and Roll XV kung saan kasama din si Alice Dixson.

Posted in: Pinoy urban legends