Santelmo kwento ng tatay ko

Kwento ito ng tatay ko. Hindi daw siya naniniwala sa multo pero sa Santelmo naniniwala daw siya. Kasi noong kabataan daw niya sa probinsya nila sa bundok nakaranas daw sila niito.

Noong edad 20 pataas daw ang tatay ko may sinehan daw sa probinsya nila. Kaso galing pang bundok ang tatay ko so halos gabi na daw sila nakakauwi.

Pagkatapos daw nila manood at hating gabi na daw. Habang umaakyat na sila ng bundok pauwi may napansin sila ilaw. Akala daw nila noong una isa lang kasera yung sinaunang pailaw kung saan maglalagay ka ng gaas at isang tela sa labas ng bote. Ganun lang daw kasi ang pailaw noon sa mga bahay lalo na sa bundok.

Habang palapit daw sila napansin daw nila wala tao sa ilaw at mas natakot sila ng makita nila bilog ito at nakalutang sa ere.

Kumaripas ng takbo sila tatay at kaibigan niya. Pero hindi pa daw natapos ito sinundan pa daw sila nito. Hanngang sa mawala na yung Santelmo dahil sa pag takbo nila ng matulin.

Naniniwala ako sa Santelmo. At nabalita at nakuhanan na nga ito sa CCTV at nabalita pa. Sabi ng matatanda isa daw espirito kung saan hindi daw matahimik ang mayari ng lupa dahil sa sobrang sakim nito sa lupa hindi daw niya maiwan ang lupa kaya nagpapakita na lang ito.

Pero may explanasyon ang scientist dito. Isa daw ito apoy talaga galing daw ito sa kidlat at dahil sa pressure ng kidlat na buo ang plasma at nabuo yung kulay hugis na apoy. Mukha ba ako matalino? Tinagalog ko lang yung nabasa ko.

Kung totoo man o hindi ang Santelmo ang mahalaga may matutunan tayo aral sa kwento na ito. ‘Wag ka maging sakim!

Posted in: Santelmo