Annabelle Toy

Ang Annabelle toy ay isang uri ng Raggedy Ann doll na ginawa noong 1915.  Ayon sa kwento taong 1970 binigay ng ina sa anak niya na nurse ang manika para daw may makasama ito sa apartment para magbigay saya sa anak niya. Ang pangalan ng nurse ay si Deidre Bernard 28 years old.

Pero makalipas daw ng ilang gabi napapansin daw ni Deidre na parang nagiiba ang position ng manika. May umaga pa nga daw na parang may itinuturo daw ito kung saan.

Lumipas pa ang ilang linggo hindi lang daw ang pagiba ng position ng kamay at paa ang napapansin ng mga kasama ni Deidre kung hindi ultimo para lumilipat ito ng lugar at ang pinakamalala pa ay bigla na lang daw lumilitaw ang mga papel na may sulat na “Help Us” o “Help Cal”. Si Cal ay isa sa fiance ng kaibigay ni Deidre na si Lara na kasama naman niya sa apartment.

Dahil sa mga kakaiba pangyayari tumawag na daw ng pyschic medium si Deidre at mga kaibigan niya. Ayon sa medium mayroon daw bata nakatira sa lugar na yun at namamahay na daw noon pa. Malungkot daw ang bata at gusto makipaglaro. Ang pangalan daw ng bata ay Annabelle Higgins.

Tinanong daw ng bata kung pwede daw siya tumira o manatili sa manika at makipaglaro kay Lara at Deidre. Dahil bata at maawain ang dalawa pumayag daw sila. Pero si Cal hindi daw gusto ang ginawa ng dalawa. Baka daw masama espirito at nagpapangap lang ito na bata.

Hindi daw nagustuhan ni Annabelle ang sinabi ni Cal na yun. Dahil dun sinumulan ng manika ang pagpapakita sa panaginip kay Cal. Hindi lang daw panaginip ang ginagawa nito. Isang araw habang wala si Deidre nagpapahinga na si Cal at Lara bigla na lang daw may narinig sila kalabog.

Sinumulan daw hanapin ni Cal kung saan nangaling ang kalabog at wala naman daw siya nakita dun pero nakita daw niya ang manika. Pupulutin na daw niya ang manika sana pero may naramdaman siya para may kumalmot sa dibdib. Pagpasok daw ni Lara sa lugar napansin daw niya na puro dugo ang dib-dib ni Cal.

Dahil sa nangyari napalitan na lumapit ang magkakaibagan sa pari at nilapit naman ito ng pari sa paranormal expert na si Ed at Lorraine Warren.

Ayon kay sa Warren wala naman daw babae multo sa manika at nakakausap daw nila ay demonyo na naganyo multo babae para lokohin sila para pumayag sila sa gusto nito tumira sa loob ng manika. Kinabukasan sinabi ng Warren sa pari na simulan blessed ang apartment ni Deidre.

Kinabukasan na din na yun nag decisyon na si Deidre na bigay na sa Warren ang manika para hindi na sila guluhin pa.

Habang nasa biyahe daw ang Warren para dahil ang manika sa bahay nila bigla na lang daw nagloko ang kotse at nawalan ito ng preno at ilang beses daw sila muntik aksidente. Sinubukan daw nila sabuyan ng holy water ang manika. Dahil sa holy water na dala nila naging okay na daw ang biyahe nila papunta sa bahay nila.

Pero nagsisimula pa lang ang kalbaryo ng Warren kay Annabelle isang araw may narinig daw sila boses ng demonyo na sumisigaw sa loob ng bahay at nag lumilipat lipat din daw ang manika gaya ng sabi ni Deidre.

May isa pari daw na bumisita sa Warren dahil narinig daw niya nag balita tungkol sa manika. Nagyabang daw ang pari na manika lang daw si Annabelle at hindi daw siya magagaw saktan nito. Pero paguwi daw ng pari namatay ito at ang dahilan aksidente sa kotse.

Taon daw ang lumipas na binubulabog daw ang Warren ng manika dahil dun nag desisyon na daw sila ilagay ito sa glass case at naglagay daw sila na warning na “Positively Do Not Open”.

Pero marami din daw hindi naniniwala sa istorya ng Warren dahil wala man lang daw sila mapakita katibayan para patunayan ang kwento nila. Pero sa hanngang ngayon ang kwento sa manika ito ay buhay na buhay pa din at ginawan pa nga ito ng pelikula na lalo nagpabuhay sa istorya.

Dahil sa istorya naging isa sa pinakanakakatakot na laruan ang Raggedy Ann doll sa buong mundo.

By Prisencolinensinainciusol – Own work, CC BY-SA 3.0, Link

Posted in: Scary