Island of the Dolls

Makikita ang lugar na ito sa Mexico. Ayon sa kwento si Don Julian Santana Barrera ang nag babantay mismo sa isla. Nakita niya ang nalulunod na bata pero sa kasamaan palad hindi niya ito nailigtas.

Pagkalipas ng ilang araw nakita daw ni Don Julian ang manika palutang-lutang sa tubig at kinuha daw niya ito. Malaki daw ang posibilidad na ang manika nakuha ni Don Julian ay pagmamayari ng bata.

not the actual image

Dahil sa bata daw ang manika maari daw ang espirito ng bata ay nalipat sa manika kinuha ni Don Julian at dahil dito nagsimula na daw mag multo ang bata.

Nakakarinig daw si Don Julian ng mga iyak ng bata dahil dito sinubukan daw kumuha ni Don Julian ng mga manika para daw hindi na siya multohin ng bata.

Marami din daw saksi na naririnig daw nila ang mga manika at tumatawa na parang may binubulong sa isat-isa. Mayroon din daw nakakakita na kumikilos magisa ang manika.

Dito din namatay si Don Julian. Ayon sa kamag-anak ni Don Julian nakita nalang niya ito nakalutang sa tubig na wala ng buhay kasama ang isang malaki isda na hindi daw karaniwan sa lugar na yun.

Ang nakakapagtaka pa dito namatay si Don Julian kung saan din nalunod ang bata. Nagkataon lang nga kaya dun din namatay si Don Julian? or may iba pa dahilan?

Ang kwento na ito ay totoo. Sa katunayan pinagkakakitaan na nga ng Mexican ang isla dahil pinpuntahan ito ng mga tourist dahil sa kakaiba istorya. Nagpunta na din ang mga sikat na tv shows gaya ng buzzfeed at ghost adventures dito atbp.

Posted in: Scary