Mga teorya sa pagkamatay ni Elisa Lam

Mga teorya sa pagkamatay ni Elisa Lam

Si Elisa Lam ay isang canadian tourist na nag-check in sa isang hotel sa Downtown Los Angeles noong January 26th, 2013.

Nawala na lang siya bigla at nakita na lang ito ng may nagreklamo hotel guest na ang lumalabas daw sa tubig galing sa mga gripo ay kadalasan kulay itim at ng tikman daw ito ng guest masama daw ang lasa nito. Kaso hindi daw agad nila sinabi sa hotel management dahil akala nila normal lang ito sa lugar ng LA.

Pagkatapos suriin ng hotel management ang tangke ng tubig andun si Elisa nakalutang walang ng buhay at wala na din saplot ang katawan. Labing walong araw na ang nakakalipas noon bago siya nakita sa tangke.

Bago mawala si Elisa Lam nakuhanan siya ng kakaibang pagkilos sa elevator cctv. Ang video nakikita niyo sa baba ay si Elisa Lam na para bang nagtatago at may kinakausap sa elevator.

Dahil dito lumitaw na ang mga katanungan sa pagkamatay ni Elisa Lam. Ano-ano nga ba ang posible dahilan talaga ng pagkamatay ni Elisa Lam.

Ito ang mga teorya sa pagkamatay ni Elisa Lam.

Unang teorya

Possible daw sinadyang patayin si Elisa. Pero ayon sa nag-autopsy wala naman daw indikasyon na nagkaroon ng trauma si Elisa o mga pasa sa katawan niya.

Napaka-imposible naman daw kasi makaakyat ni Elisa sa kondisyon niya at paano daw nagawa ni Elisa buksan ang mabigat na takip ng tangke ng tubig at nagawa din niya sara ito.

Pangalawang teorya

Nakainom siya o nag-hallucinate daw siya. Sa katunayan nga ayon sa report bipolar daw si Elisa at umiinom ng ibat-ibang gamot para sa sakit niya. At nagpatunay pa dito ang salaysay ng hotel manager.

Ayon sa manager ng hotel una daw naka-check in si Elisa sa hostel-style na shared room pero bandang huli napilitan lumipat sa private room sa hotel dahil sa reklamo ng room mate niya na mayroon kakaibang kinikilos si Elisa.

Pero ayon sa nag-autopsy sa kanya wala naman nakita alcohol or drugs chemical na magiging sanhi ng pagka-halucinate niya.

Pangatlo teorya

Posible daw na multo ang kinakausap ni Elisa noong nakuhanan siya cctv at sinapian o hinikayat ng multo si Elisa na magpakamatay.

Sa katunayan madami na daw nag-check in sa hotel at tumatalon daw sa rooftop ng hotel. Madami din daw nabalita mga mamatay tao na nag-check in sa hotel at dun na din namatay gaya ni Richard Ramirez at Black Dahlia.

Kayo may posible teorya ba kayo sa pagkamatay ni Elisa Lam. Nagpakamatay nga ba siya o pinatay siya? o may ibang pa mas malalim na dahilan sa pagkamatay niya?


What are your thoughts?