Tapik – Cj Esguerra scary story on Poblacion Pulilan, Bulacan

Kwento ko lang ang aking karanasan na hinding-hindi ko makakalimutan. Kasi hindi naman ako masyadong naniniwala sa mga ganun.

Yung experience kong to ay 2013 pa nangyare sa akin mga bandang hapon yun nanggaling ako sa tita ko at ng pauwi na ako nagaabang ako ng tricycle at sa hindi inaasahan pangyayare may matandang tumapik sa akin na hindi ko na na pagkaabalahan pang batiin kasi that time dumating na yung tricycle.

Pagka-uwi ko bigla nalang ako nilagnat. Hindi ako nakakatulog hanggang umaga grabe yung feeling na para kang naka-drugs dahil kahit ano gawin mo hindi ka talaga dinadalaw ng antok at sa bahay namin my hagdanan kami everytime na paakyat ako or pababa parang bigat na bigat ung mga paa ko.

Almost 3 days na ako nilalagnat nagpa-check up na rin kami ng mother ko pero lagnat lang daw. Mabuti nalang may nakausap si mother na kakilala niya na may kilalang albularyo.

So eto na nga pagkapuntang pagkapunta namin alam na kagad ng albularyo ang nangyre sa akin grabe may matanda raw tumapik sa akin na tinarayan ko raw. Naku! grabe takot ko nun na sinasabi ng albularyo na kung ano itsura ng matanda na tumapik sa akin lahat ay tama.

Ang ginawa saken ng albularyo nilagyan niya ko ng bala ng baril inipit sa daliri ng paa at ung isa sa daliri ng kamay ko parang binabali niya tapos kinakausap niya ung matandang tumapik sa akin na tigilan niya na ako pero as in super banaligtad ung daliri kong isa hindi manlang ako nasasaktan.

Tapos ayon nga sabi pa ng albularyo my bala ko dito .Gagawin ko panakit sayo kapag hindi pa nga daw ako tinigilan. Tapos ayon nga sinabi ko sa albularyo na baka akala niya natarayan ko siya kasi hindi ko napansin kasi sakto pasakay na ako ng tricycle. Simula nun wala na ako nararamdaman simula ng magpagmot ako sa albularyo.

Take note hindi tumatanggap ng abuloy ung albularyo dahil raw mawawala raw ang bisa nung pangagamot niya. Ang sabi sa akin ng albularyo kahit daw posporo lagi raw ako magdala pangkontra daw at basta raw may tumapik sa akin tapikin ko rin. Simula nun hindi na ako masyado tumitingin sa mga matatandang my puting buhok.

Posted in: Scary